Thursday, April 3, 2025

Magsasaka, arestado sa paglabag sa Comelec Gun Ban at RA 9165

Arestado ang isang magsasaka matapos mahulihan ng iligal na baril, pampasabog, at ipinagbabawal na droga sa isang checkpoint sa Purok 5, Barangay Patrocinio, Sta. Josefa, Agusan del Sur bandang 5:45 ng hapon nito lamang Marso 31, 2025.

Kinilala ang suspek bilang si alyas “Bernie”, 42 anyos, binata, isang magsasaka at residente ng Purok 6, Barangay Sta. Emelia, Veruela, Agusan del Sur.

Batay sa ulat, habang nagsasagawa ng random checkpoint ang Sta. Josefa Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence Team ng Agusan del Sur at Regional Intelligence Unit 13, napansin ng mga awtoridad ang nakausling bahagi ng isang baril mula sa itim na sling bag ng suspek.

Nang tangkain nitong umiwas sa checkpoint, agad itong hinabol at nadakip sa parehong lugar.

Sa isinagawang inspeksyon, nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang isang .357 revolver na may anim na bala, isang piraso ng hand grenade, dalawang piraso ng lighter, isang improvised tooter, isang piraso ng elongated foil, tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang Php36,516, isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang Php120.00, at isang itim na Euro motorcycle.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, Comelec Gun Ban, at RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.

Patuloy ang Agusan del Sur PNP sa mahigpit na pagpapatupad ng batas upang masugpo ang kriminalidad at iligal na droga sa bansa. Sa ilalim ng kampanya ng Bagong Pilipinas, layunin ng pulisya na mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bawat komunidad.

Panulat ni Pat Karen Mallillin

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,480SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles