Lopez, Quezon – Arestado ang isang magsasaka sa kasong Rape at 2 Counts ng Acts of Lasciviousness sa isinagawang operasyon ng Quezon PNP sa Brgy. Maulawin, Sta. Elena, Camarines Norte nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dandy Aguilar, Acting Chief of Police, Lopez Municipal Police Station, ang suspek na si Rustom Timple, 20, walang asawa, magsasaka, residente ng Brgy. Cagacag, Lopez, Quezon.
Ayon kay PLtCol Aguilar, dakong 4:30 ng hapon naaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Lopez MPS, 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company-2nd Platoon Gumaca, Quezon, Regional Intelligence Division 4A at Regional Special Operations Unit-Quezon.
Naaresto ang suspek sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa at 2 Counts ng Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na Php200,000 bawat isa.
Ang Quezon PNP ay lalong palakasin ang puwersa sa pag-aresto sa mga taong lumabag sa batas para makamit ang ligtas, maayos at tahimik na probinsya.
Source: Lopez Municipal Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin