Arestado ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Station Level matapos ihain ng mga tauhan ng Marilog Police Station ang Warrant of Arrest nito sa Barangay Tamugan, Marilog District, Davao City nito lamang Enero 26, 2025.
Kinilala ni Police Major Renante C Aritalia, Hepe ng Marilog Police Station, ang suspek na si alyas “Mark”, 20 taong gulang, magsasaka at residente ng nasabing barangay.
Mahaharap sa kasong Homicide na may piyansang Php120,000 ang suspek.
Ang Police Regional Office 11 ay patuloy na nagsasagawa ng mga regular na operasyon upang tiyakin ang mga wanted na tao sa rehiyon ay nahahanap at nahuhuli upang mapanatili ang kaayusan at katarungan sa komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino