Wednesday, May 14, 2025

Magnanakaw sa Davao City timbog ng Sta. Ana PNP

Davao City – Arestado ang isang magnanakaw matapos mahuli ng mga tauhan ng Sta. Ana Police Station sa Brgy. Agdao Proper Brgy. Leon Garcia, Davao City, noong Hunyo 23, 2022.

Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng nasabing istasyon, ang suspek na si Peter Gallarce alyas “Pet-Pet”, 25, residente ng R. Castillo St. Jerome Extension Brgy. R. Castillo, Davao City.

Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng Sta. Ana PS matapos humingi ng tulong ang isang lalaki na siya ay nanakawan sa nasabing lugar sa loob ng kanyang multicab.

Dagdag pa ni PMaj Goles, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang marijuana at isang caliber .38 na baril na may isang live ammunition na ginagamit ng suspek sa kanyang mga nagiging biktima.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at sa kasong theft.

Nagpasalamat naman ang biktima sa agarang pagtugon ng PNP sa kanyang paghingi ng tulong.

###

Panulat ni Patrolman Alfred Vergara

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles