Cabuyao City, Laguna – Arestado ang isang suspek sa pagnanakaw ng cable wire ng generator set ng PS Bank ng Cabuyao PNP nito lamang Lunes, Hulyo 11, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Robert Sales, Chief of Police ng Cabuyao City Police Station, ang suspek na isang disi-otso anyos, residente ng Purok Uno, Brgy Paciano, Calamba City, Laguna.
Ayon kay PLtCol Sales, bandang 11:30 ng umaga naiturn-over ang suspek matapos mahuling tumatakas dala ang mga ninakaw na cable wire sa PS Bank sa JP Rizal St, Corner A Bonifacio, Cabuyao City, Laguna.
Ayon pa kay PLtCol Sales, nangyari ang naturang pagnanakaw bandang 7:10 ng umaga sa naturang lugar kung saan nahuli sa akto ng isang gwardya ang suspek habang pinuputol ang cable wire ng generator set ng PSBank na agad nakatakbo dala ang ninakaw.
Narekober sa suspek ang mga ninakaw na cable wire at nahaharap sa kasong pagnanakaw.
Hinihikayat ng PNP ang mamamayan na aktibong makiisa at suportahan ang mga programa sa anti-criminality campaign upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad sa anumang krimen.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon