Paracale, Camarines Norte – Tinatayang nasa Php442,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa maglive-in partner sa PNP buy-bust operation nito lamang Miyerkules, Hunyo 22, 2022.
Kinilala ni Police Major Edwin Adora, Chief of Police ng Paracale Municipal Police Station ang mga suspek na sina alyas “Romy”, 44, minero at si alyas “Nette”, 49, kabilang sa listahan ng Regional Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs at pawang residente ng Purok 2, Brgy. Casalugan, Paracale, Camarines Norte.
Ayon kay PMaj Adora, bandang 1:07 ng umaga naaresto ang mga suspek sa Purok 1, Brgy Tugos, Paracale, Camarines Norte ng pinagsanib na puwersa ng Paracale MPS, Regional Police Drug Enforcement Unit 5 at Camarines Norte Provincial Intelligence.
Nakumpiska sa kanila ang isang piraso ng malaking selyadong plastic at dalawang paketeng plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang piraso ng Php500 at boodle money na umabot sa Php339,500. Tinatayang umabot sa 65 gramo ng shabu ang nakumpiska na may market value na Php442,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
“Di titigil ang inyong kapulisan upang tuluyan ng tuldukan ang paglaganap ng ilegal na droga. Kasama ang komunidad upang ipanalo ang laban kontra droga”, mensahe ni Police Brigadier General Mario Reyes, Regional Director, Police Provincial Office 5.
Source: Paracale MPS
###
Panulat ni Police Corporal Shiear “Kye” Velasuez-Ignacio