Arestado ng mga tauhan ng Iloilo City Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Unit ang maglive-in partner sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Caranas, Janiuay, Iloilo nito lamang ika-8 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Dadje Delima, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit, ang mga suspek na sina alyas “Benjie”, 43-anyos at alyas “Khrys”, 26-anyos at mga residente ng Barangay Bakhaw, Manduriao, Iloilo at naitalagang mga High Value Individuals.
Ayon kay PMaj Delima, ang maglive-in ay dati ng nahuli kaugnay sa iligal na droga, ngunit nakalabas dahil sa plea bargaining.
Narekober sa mga suspek ang tatlong (3) big heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 155 gramo at may estimated Standard Drug Price na Php1,054.000.
Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang pagsusumikap ng PNP upang sugpuin ang ilegal na droga at tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa paglaban sa kriminalidad at pagtataguyod ng isang mas ligtas na komunidad para sa lahat.
Source: RPIO 6
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos