Timbog ang dalawang magkapatid sa ikinasang drug buy-bust operation ng Philippine National Police Drug Enforcement Group- Special Operation Unit 6 at Special Drug Enforcement Team ng Iloilo City Police Station 2 (Lapaz Police Station) sa Zone 3, Brgy. Lopez-Jaena Norte, La Paz, Iloilo City nito lamang ika-19 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni PMaj Jose Val Ladublan, Station Commander ng Iloilo City Police Station 2, ang mga subject person na sina Nestor Magno Jr., 38 at ang kapatid nitong si Alcen Magno, 40 at pawang mga residente ng nabanggit na lugar.
Ayon pa kay PMaj Labudlan, nahuli ang mga suspek matapos silang magbenta ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu sa isang police poseur-buyer na nagkakahalaga ng Php23,500 na ginamit bilang buy-bust money.
Narekober sa dalawa ang dalawang knot tied transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu kasama ang drug buy-bust item na tumitimbang ng 105 gramo at may Standard Drug Prize na Php714,000.
Napag-alaman din na ang isa sa mga nahuli na si Nestor ay nakulong sa parehong kaso noong 2015 at nakalabas taong 2019.
Samantala, nahaharap ang mga subject person sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay isang patunay na ang ating PNP ay hindi titigil sa pagsugpo sa paglaganap ng ilegal na droga at mas papaigtingin pa ang kampanya nito laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.