Ilocos Norte – Tuluyan nang winakasan ng magkapatid na dating miyembro ng Communist Terrorist Group ang pakikibaka at nagbalik-loob sa mga tauhan ng Bacarra Municipal Police Station sa Ilocos Norte nito lamang ika-3 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roldan O Suitos, Officer-in-Charge ng Bacarra Municipal Police Station, ang magkapatid na sina alyas “Dion”, 68 anyos, at alyas “Insio” 60 anyos, parehong magsasaka at residente ng Barangay 27, Duripes, Bacarra, Ilocos Norte.

Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay ang pagsuko nila ng isang yunit na .38 caliber revolver na pag mamay-ari ni alyas “Dion.”
Ang mga dating tagasuporta ng CTG ay nanumpa ng Oath of Allegiance sa pamahalaan bilang pagpapakita ng kanilang pagtalikod sa komunistang grupo.
Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na koordinasyon at pagsisikap ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, umaasa ang pamahalaan na mas marami pang mga rebelde ang makakapagdesisyon na sumuko at makiisa sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Jenilyn Consul