Valencia City, Bukidnon – Arestado ang magkapatid sa kasong paglabag sa RA 10591 sa isinagawang joint operation ng Bukidnon PNP sa Purok 3, Brgy. Pinatilan, Valencia City, Bukidnon nito lamang Miyerkules, Mayo 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang magkapatid na suspek na sina Abe Gillaco y Porras, 40, Human Resource Management Officer ng Valencia City Hall at si Hernalito Gillaco y Porras, 52, pawang residente ng Purok 3, Brgy. Pinatilan, Valencia City, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, bandang 5:30 ng umaga naaresto ang magkapatid sa naturang lugar ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group–Regional Field Unit 10; Criminal Investigation and Detection Group–Bukidnon; 2nd Bukidnon Provincial Mobile Force Company at Valencia City Police Station.
Ayon pa kay PCol Lagare, nakumpiska sa loob ng bahay ng mga suspek sa bisa ng Search Warrant ang mga ilegal na baril: isang US Rifle Cal .30 M1 Spring Armory; 53 na bala ng .30 M1 Rifle; pitong Steel Clip ng .30 M1 Rifle; 30 na bala ng 5.56MM Rifle; isang kahon ng bala ng 5.56MM Rifle; isang 40MM M203 Grenade; dalawang bala ng .30 M1 Rifle; isang short magazine; isang long magazine with 9 live ammunition ng 12GA shotgun; isang short magazine with 5 live ammunition ng 12GA shotgun; 25 na bala ng 12GA shotgun; isang CZ Cal .9MM Pistol; tatlong magazine at 18 na bala ng CZ Cal .9MM; isang SAM Cal .45; dalawang magazine ng SAM Cal .45 at 40 na bala ng Cal .45.
Mahaharap ang magkapatid sa kasong RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang PNP ay patuloy sa mandato na siguraduhin ang kapayapaan at katahimikan ng komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10