Arestado ang maglive-in partner sa isinagawang drug buy-bust operation ng Tigbauan Municipal Police Station-Special Drug Enforcement Team sa Barangay Tan Pael, Tigbauan, Iloilo nito lamang ika-8 ng Hulyo 2024.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Mark”, 32 anyos, walang asawa, walang trabaho at alyas “Rizhlenn”, 25 anyos, walang asawa, walang trabaho, Street Level Individual at residente ng nasabing barangay.

Nakumpiska ng kapulisan mula sa control at pag-aari ng mga suspek ang anim na sachet ng pinaghinihinalang shabu na may tinatayang timbang na higit-kumulang na 13 gramo na may Standard Drug Price na Php88,400, Php7,000 na buy-bust money, at iba pang non-drug items.
Ang dalawang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang dedikasyon ng Iloilo PNP na matigil ang paglaganap ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan para sa seguridad ng mamamayan.
Source: Iloilo PPO
Panulat ni Pat Ryza Valencia