Ballesteros, Cagayan (February 8, 2022) – Tinulungan ng kapulisan ng Ballesteros ang mag-inang katutubong nagbebenta ng gulay na napadaan sa kanilang himpilan sa Ballesteros, Cagayan noong Pebrero 8, 2022.
Binili ni Police Major Marlou Del Castillo, hepe ng naturang istasyon, ang mga ibinebentang gulay ng mag-ina upang maibsan ang bigat ng pasan-pasang paninda habang naglalakad.
Pinatuloy ng pulis ang mag-ina sa kanilang himpilan at inalok ng kape at tinapay.
Sa kanilang kuwentuhan, napag-alaman ni PMaj Castillo na ang haligi ng kanilang tahanan ay kasalukuyang nakapiit sa bilangguan kaya naman mag-isa na lamang ang ginang na nagtutuguyod sa kanilang pamilya.
Naiyak naman ang ginang nang iabot ni hepe ang bayad na sobra sobra pa sa presyo ng kanilang paninda.
“Wala sa estado ng buhay at talino ang pagtulong. Nasa ating bukas na puso, mga kamay at mata para tingnan at iaabot ang tulong sa ating kapwa”, ani PMaj Del Castillo.
Ang pagtulong na ginagawa ng kapulisan ay walang pinipiling tao, oras, o panahon. Hangga’t kaya ng ahensya ay patuloy itong gagawa ng paraan upang maipadama ang malasakit ng gobyerno para sa lahat.
####
Panulat ni PSSg Mary Joy D Reyes, RPCADU 2
Serbisyong tunay salamat sa mga kapulisan