Tuesday, November 26, 2024

Mag-asawang rebelde, sumuko sa mismong Araw ng Kagitingan

Dolores, Eastern Samar – Habang ang 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company ay nakikiisa sa buong bansa sa paggunita sa ika-80 Araw ng Kagitingan, sumuko sa kanilang hanay ang mag-asawang NPA na nagpakita ng katapangan sa pamamagitan ng pormal na pagtalikod sa New People’s Army nito lamang Sabado, Abril 9, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joy Leanza, Force Commander ng 1st ESPMFC ang mga sumukong sina Alyas “Ka-Balodoy”, Chairman ng Medical Committee sa isang Communist Terrorist Group Pseudo government sa ilalim ng Sub-Regional Committee, BROWSER, Eastern Visayas Regional Party Committee, New People’s Army at si “Ka-Lina”, nagsilbing Chairwoman nito ng Pambansang Kilusan ng Magsasaka (PKM) ng parehong organisasyon.

Ayon kay PLtCol Leanza, nakaharap niya sina Alyas “Ka-Balodoy” at Alyas “Ka-Lina” at nagpahayag ng kanilang tunay na layunin na lisanin nang tuluyan ang teroristang grupo noong gabi ng Abril 9.

Ayon pa kay PLtCol Leanza, ang mag-asawa ay nagmula sa San Jose de Boan, Western Samar na gumugol ng halos tatlong dekada kasama ang mga kinatatakutang rebelde.

Dagdag pa ni PLtCol Leanza, namatay ang kanilang anak na babae sa pakikipagsagupaan sa AFP sa Barangay Dolores, Eastern Samar noong Agosto 2021. Habang ang kanilang anak na si Alyas “Good” ay sumuko pagkatapos ng insidente.

Si Alyas “Good” ang nag-impluwensya sa kanyang mga magulang na sumuko sa 1st ESPMFC dahil sa makataong pagtrato sa kanya ng Eastern Samar PNP.

Ang Eastern Samar PNP ay mas lalo pang paiigtingin at palakasin ang kampanya laban sa insurhensiya at hihikayatin ang mga rebeldeng grupo na magbalik-loob sa gobyerno.

###

Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles