Arestado ang dalawang mag-asawang tinaguriang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Matalam Municipal Police Station na nagresulta sa pagkumpiska ang Php414,800 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Dalapitan, Matalam, North Cotabato noong ika-19 ng Marso 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arniel Cagud Melocotones, hepe ng Matalam MPS, ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib pwersa ng mga operatiba ng Regional Special Operation Group, Regional Intelligence Unit 12, Police Drug Enforcement Group 12, Regional Intelligence Division 12, 1st City Mobile Force Company, at Cotabato Police Provincial Office-Provincial Police Drug Enforcement Unit.
Kinilala ni PLtCol Melocotones ang mga naaresto na sina alias “Datu”, 32 taong gulang, driver at ang kanyang asawa na si alias “Bayan”, 30 taong gulang na kapwa mga residente ng Purok Santol, Barangay Central Malamote, Matalam, North Cotabato.
Nakumpiska mula sa suspek ang 61 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php414,800 at sila ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay ng nasabing operasyon ay patunay lamang na patuloy ang pagsisikap ng Pambansang Pulisya na labanan ang problema sa droga sa lipunan kung saan patuloy naman ang Cotabato PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga na isa sa mga prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para mapanatili ang kaayusan at seguridad ng bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Vina C morales