Zamboanga City – Arestado ang mag-asawa sa isinagawang Law Enforcement Operation ng Zamboanga City PNP nito lamang Linggo, Oktubre 23, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, Acting City Director ng Zamboanga City Police Office, ang suspek na sina Ibrahim Mubin Bala alyas “Ibrahim Mubin Bara”, 46, magsasaka at Nurhuda Jubail Bala alyas “Nurhuda Jubail Bara”, 43, pawang residente ng Brgy. Tumitus, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 9:38 ng umaga nang naaresto ang suspek sa kanilang tirahan ng mga operatiba ng Zamboanga City Mobile Force Company at Zamboanga City Police Office- Station 1 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Grave Coercion.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9