Naaresto ang mag-asawang hinihinalang tulak ng droga sa drug buy-bust operation ng kapulisan sa Barangay South Baluarte, Molo, Iloilo City nito lamang ika-6 ng Enero 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Bonnie”, 42 taong gulang, isang fish vendor, at si alyas “Kristine”, 36 taong gulang, isang vendor at parehong residente ng nasabing barangay.
Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Iloilo City Police Station 4 sa pangunguna ni PCpt Ryan Christ C Inot, Officer-In-Charge.
Nasamsam mula sa mga suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha sa buy-bust operation, 12 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha sa kanilang pag-iingat, Php8,000 at iba pang mga non-drug items.
Tinatayang nasa humigit kumulang 30 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska at may street value na Php204,000.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinapaalalahanan ng PNP ang publiko na makipagtulungan sa kampanya laban sa iligal na droga at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: K5 News Iloilo
Panulat ni Pat Lyneth Sablon