Thursday, November 28, 2024

Mag-amang negosyante, pinagbabaril sa Maguindanao, patay!

Barira, Maguindanao (January 11, 2022) – Dead on the spot ang mag-amang negosyante matapos na holdapin at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Kaigan, Brgy. Liong, Barira, Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Richard Bigkas, 50 anyos at ang kanyang anak na si Eric Bigkas, 30 taong gulang, mga residente ng Parang Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Office Director,  Colonel Jibin Bongcayao, ang mga biktima ay nakasakay sa puting multicab kung saan naglalako ito ng kaldero at kutsara sa Barangay Liong Barira Maguindanao nang bigla umanong hinarang ng tatlong mga armadong suspek ang mga biktima at nagdeklara ng hold-up.

Kinuha ng mga salarin ang Php2,000 nilang benta at pinagbabaril gamit ang kalibre 45.

Mapalad namang nakaligtas ang ilaw ng tahanan na pangalanan na lamang nating alyas “Lorna” matapos kumaripas ng takbo palayo sa multicab patungo sa damuhan.

Agad namang tumakas ang mga suspek ng matiyak na patay na ang mga biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Barira Police Station sa insidente upang mahanap ang mga suspek at mapanagot sa kanilang nagawang krimen at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mag-ama.

#####

Panulat ni Pat Mark Vincent Valencia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles