Parañaque City — Tinatayang Php714,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa mag-amang suspek sa buy-bust operation ng Parañaque City PNP nito lamang Huwebes, Abril 21, 2022.
Kinilala ni Southern Police District Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg, ang mga suspek na sina Archieval David Tesoro, 44, at Aldrich Gabriel Dela Cruz Tesoro, 21, kapwa residente ng Parañaque City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang 4:20 ng umaga, nahuli ang mga suspek sa #7 Pictorial Lane 4th Estate Subdivision, Brgy San Antonio, Parañaque City sa pinagsanib puwersa ng Station Drug Enforcement Unit at Police Sub Station 5 ng Parañaque City Police Station.
Narekober mula sa mga suspek ang isang small at medium size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa 105 gramo at may Standard Drug Price na Php714,000, isang black pouch, at tatlong pirasong Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang mag-ama sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Nakakalungkot isipin na ang haligi ng tahanan na siyang dapat na maging modelo ang siya pang nagdala sa kanilang mga anak sa tiyak na kapahamakan, magsilbi nawa itong babala sa ating mga kababayan na ayaw tumigil sa ganitong kalakaran, hindi mangingimi ang Southern Police District na hulihin at ipakulong kayo kapag nahuli namin kayo na nagtitinda at gumagamit ng ipinagbabawal na droga,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos
Good job PNP saludo kami