Base sa direktiba ni C, PNP General Dionardo Carlos, bago pa man hagupitin ng bagyong Odette ang probinsya ng Bohol ay namahagi ng arroz caldo at iba pang pantawid gutom ang Mabini Municipal Police Station sa pangunguna ni PLt Angelo Pancratius V Cabrera, Chief of Police sa mga residente ng Barangay Marcelo sa bayan ng Mabini na umakyat sa pinakamalapit na kuweba na nagsilbing evacuation area ng mga nasabing residente.
Ngunit higit sa lahat ay nag-alay ang ating mga kapulisan ng mataimtim na panalangin na mailigtas ang lahat sa panganib na dulot ng malakas na malakas at pabugso-busong ulan na dala ng bagyo.
######
Panulat ni: Patrolwoman Darice Anne Regis
Salamat PNP sa suportang bigay nyo sa mga nasasalanta, Mabuhay ang PNP . Keep safe always
Salamat sa ating mga Alagad Ng Batas sa serbisyong publiko