Mabilis na aksyon ng pulisya, nagligtas sa sugatang senior citizen sa Baguio

0
204

Nagpakita ng kahandaan at malasakit ang mga tauhan ng Baguio City Police Office – Police Station 6 matapos agad na rumesponde sa isang insidente na kinasangkutan ng sugatang senior citizen sa Baguio City noong Marso 14, 2026.

Ang 63-anyos na residente ng Purok 1, Ambiong ay aksidenteng nadulas at nahulog matapos bumigay ang tinapakang kahoy na hagdan, dahilan upang bumagsak siya sa damuhang bahagi ng lugar.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng BCPO-PS 6, kabilang sina PCMS Goerge Fangko-oy, PCpl Princess Balunos, at Pat Tyrone Ocampo sa ilalim ng pangangasiwa ni Rodolfo M. Mangay-ayam Jr. Nakipagtulungan din ang mga responder mula sa Bureau of Fire Protection – Aurora Hill upang agad na matulungan ang biktima.

Sa pamamagitan ng mabilis na koordinasyon ng mga responder, ligtas na naihatid ang senior citizen sa Baguio General Hospital and Medical Center upang mabigyan ng agarang pagsusuri at kaukulang lunas. Dahil sa kanilang maagap na aksyon, natiyak na agad na nabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon ang biktima.

Ipinakita ng insidenteng ito ang patuloy na dedikasyon ng pulisya at iba pang emergency responders sa pagbibigay-proteksyon at tulong sa mamamayan. Sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon, koordinasyon, at malasakit sa kapwa, patuloy na pinatutunayan ng mga tauhan ng PNP ang kanilang pangako sa paglilingkod at pag-iingat sa buhay ng publiko, na nakaangkla sa bisyon na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: BCPO Police Station 6

Leave a Reply