Wednesday, November 27, 2024

Mabilis na aksyon ng Angeles PNP, nauwi sa pagkakaaresto ng tatlong suspek sa pagnanakaw

Dahil sa maagap na tugon ng mga tauhan ng Angeles City Police Office, naaresto sa loob lamang ng parehong araw ang tatlong suspek sa insidente ng pagnanakaw na naganap sa Barangay Pulungbulu, Angeles City nito lamang Nobyembre 24, 2024.

Ayon kay Police Colonel Amado A. Mendoza Jr., City Director ng Angeles City Police Office, may naitalang pagnanakaw at nawala ang pera ng biktima na nagkakahalaga ng Php292,000, wallet na may Php8,000, at isang Philip Stein na relo na nagkakahalaga ng Php60,000.

Sa pagsusuri ng CCTV footage ng pulisya, natukoy ang suspek na si alyas “Reyniel”, 21 anyos, residente ng Bancal, Barangay Amsic, Angeles City.

Nakita sa video na puwersahang pumasok sa bahay sa pamamagitan ng pangunahing pintuan, kinuha ang pera mula sa drawer, at umalis sakay ng isang itim na Honda Click na minamaneho ng kasabwat na si alyas “Reggie,” 32 taong gulang, residente ng Barangay Salapungan, Angeles City.

Lumalabas din sa imbestigasyon na ang dalawa ay nakipagkita muna kay alyas “Deon”, 31 anyos, residente ng Barangay Pandan, Angeles City, sa isang hotel bago naganap ang insidente.

Sa isinagawang follow-up operation, naaresto ang mga suspek sa magkakahiwalay na lugar.

Narekober din ang Php228,660 na cash, isang Philip Stein na relo, at ang itim na Honda Click na ginamit sa krimen.

Patuloy na pinaalalahanan ng Angeles PNP ang publiko na agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

Panulat ni Pat Jilly A Peña

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles