Isang maagang pamaskong handog ang nakamit ng isang mamamayan na si Gng. Nardita Montarde Monserate ng Lagonoy, Camarines Sur na matagal ng kahilingan na magkaroon ng wheelchair dahil sya ay paralisado at di makalakad. Sa pakikipag-ugnayan ng PNP Lagonoy sa pangunguna ni PMaj Romero T Ranara, OIC, sa mga stakeholders na may mga mabubuting kalooban upang tugunan ang kahilingan ng nasabing indibidwal.
Noong Oktubre 27, 2021, natupad ang kahilingan ni Gng. Monserate na pagkalooban siya ng wheelchair mula sa Mount Asog Eagles Club (The Fratenal Order of Eagles) na siyang nagbigay ng nasabing wheelchair sa pangunguna ni Municipal Kagawad Frederick Abante na isa sa mga aktibong tumutulong sa Lagonoy Municipal Police Station.
Bakas sa mukha ni nanay Nardita ang kasiyahan sa kanyang mukha nang matanggap nya ang isang bagong wheelchair na ipinagkaloob sa kanya.
Ang munting regalo na ito ay isang paraan upang ipaalala sa ating mga kababayan na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay dahil may mga tao pa rin na handang tumulong kahit sa simpleng paraan.
Bumisita din ang DSWD Region 5 na kinatawan ni Bb. Marygizelle B. Mesa, DSWD R5 Regional Information Officer upang magbigay ng food pack at tingnan din ang sitwasyon ni nanay Nardita at malaman kung ano pa ang mga puwedeng maibigay na tulong sa pamilya nito.
#####
Article by Patrolman Cristopher D Ignacio