Masayang tinanggap ni Richard Simon P Estrada, pitong taong gulang, anak nina Raymond at Lenje P Estrada ang regalong wheelchair ng Kapulisan ng Lanao Del Norte Police Provincial Office (PPO) ng Police Regional Office 10 (PRO 10). Si Richard ay mayroong sakit na polio kaya ang mga paa niya ay namaluktot dahil sa karamdaman.
Kasama si Richard sa mga nabigyan ng tulong mula sa sama-samang pagkilos ng mga lokal na ahensya ng gobyerno sa isinagawang Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan sa Barangay ng Licapao, Tubod, Lanao del Norte nitong Nobyembre 19, 2021.
Sa pamumuno ni Police Colonel Isaias A Bacurnay, Jr., Provincial Director ng Lanao Del Norte PPO, nanguna ang mga Kapulisan sa isinigawang programa kasama ang 5th Mechanized Battalion ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection, Provincial Health Office, Municipal Health Office ng Tubod, sa pangunugna ni Dr. Maria Filipina Carmen, mga opisyal ng Barangay, sa pamumuno ni Honorable Ambrocio Cabugnason, Jr., at mga Lingkod Bayan Advocacy Groups sa pamamahagi ng 50 food packs, 70 na mga tsinelas, at 200 na bakuna kontra COVID 19.
Nagkaroon din ng libreng check-up at information drive para sa mga residente. Malaki ang pasasalamat ng mga residente sa isinagawang Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan dahil na rin sa nararanasan nilang hirap dulot ng pandemya. Hindi naman masukat ang kaligayan na naramdaman ng Pamilya Estrada sa ibinigay na tulong para sa kanilang anak na si Richard.
Source: PLt Ruby G Cabillan, PCADU, Lanao Del Norte PPO
Salute to you sirs/maams.. God bless you always!?
Godbless Our Cops , Salute po sa inyo
God Bless You sir??✈️?✈️
More blessings to come team PNP
Godbless pnp!
PNP cares God Bless you
Godbless PNP! Maraming salamat lagi sa taong pusong serbisyo na binigay nyo para sa mamamayan!
God bless PNP
Maraming salamat po sa tulong nyo
Good job mga Sir!Isang napalaking tulong po.Salamat PNP..
Pulis at your service always 24/7