Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Luna Municipal Police Station ang barangay visitation at lecture sa Barangay San Gregorio, Luna, Apayao nito lamang ika-29 ng Disyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Luna Municipal Police Station na dinaluhan ng mga residente ng nasabing barangay.
Tinalakay sa programa ang mga negatibong epekto ng ipinagbabawal na gamot sa pisikal, mental, at sosyal na aspeto.
Binigyang-diin din ang iba’t ibang uri ng bullying, tulad ng pisikal, berbal, at cyberbullying, kasama ang kahalagahan ng malasakit at kabutihan upang mapanatili ang maayos na ugnayan sa loob ng komunidad.
Namahagi din ng mga flyer na naglalaman ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng mga tinalakay na paksa upang higit pang mapalawak ang kaalaman ng publiko.
Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng publiko laban sa ipinagbabawal na gamot at bullying, at hikayatin ang lahat na maging katuwang sa pagbibigay-solusyon sa mga isyung ito para sa isang mas ligtas at mapayapang komunidad.