Calintaan, Occidental Mindoro – Arestado ng Calintaan Municipal Police Station ang isang mangingisda matapos mahuling gumagamit ng hindi rehistradong bangka sa karagatan na nasasakupan ng Brgy. Iriron, Calintaan, Occidental Mindoro nito lamang Hulyo 28, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Dexter Danao, Officer-In-Charge ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, ang naaresto na si alyas “Domeng”, residente ng Brgy. Concepcion, Calintaan, Occidental Mindoro.
Ayon pa kay PCol Danao, naaresto ang suspek bandang 11:15 ng umaga habang nagsasagawa ng Anti-illegal fishing operation ang Intelligence Operative ng Calintaan Municipal Police Station kasama ang Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) ng maabutan nila ang suspek na gumagamit ng hindi rehistradong bangka.
Dagdag pa ni PCol Danao, ang nasabing mangingisda ay inaresto dahil sa paglabag sa Section 32 ng Municipal Fishery Ordinance No. 01 Series of 2002.
Ito ay resulta ng direktiba mula sa Officer-In-Charge ng Occidental Mindoro Police Provincial Office na si Police Colonel Jun Dexter Danao ukol sa lalo pang pagpapaigting ng kampanya kontra sa mga ilegal na gawain sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago