Laguna – Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga tauhan ng Los BaƱos Municipal Police Station sa Hilario Aguinaldo Rd., Los BaƱos, Laguna nito lamang umaga lamang ng Disyembre 6, 2023.

Ito ay pinangunahan ni Police Major Jollymar Seloterio, Acting Chief of Police, Los BaƱos Municipal Police Station.
Nakiisa rin ang mga opisyal ng barangay sa naturang Clean-up Drive gayundin bilang bahagi ng kanilang lingguhang aktibidad.

Ito ay ginawa para itaguyod ang isa sa PNP core values na āMakakalikasanā upang pahalagahan at panatilihing malinis ang ating kalikasan.