Zamboanga City – Isinuko ng isang pulis ang kanyang Loose Firearm sa isinagawang House Visitation o “Oplan Katok” ng Zamboanga City Police Station 11, nito lamang Lunes, Abril 18, 2022.
Ayon kay Police Major Chester Natividad, Chief of Police ng Zamboanga City Police Station 11, bandang 2:50 ng hapon nagsagawa ng Oplan Katok na nagresulta ng boluntaryong pagsuko ng isang pistol 1911 Cavalry Caliber .45 na may serial number 1111696 at paso na ang lisensya noong March 24, 2005.
Dagdag pa ni PMaj Natividad, ang naturang baril na hindi lisensyado at walang kaukulang dokumento ay pag-aari ng isang aktibong miyembro ng Pambansang Pulisya na si Police Staff Sergeant Dumar A Ullang na nakatira sa 279 Alejo Alvarez St., Zamboanga City.
Ang “Oplan Katok” ay isa sa mga programa ng Pambansang Pulisya na naglalayong mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng bawat tao sa komunidad lalo na at papalapit na ang halalan.
###
Panulat ni Patrolman Chris Lorenz Angat/RPCADU 9