Zamboanga del Norte – Isinuko ng isang concerned citizen ang isang loose firearm sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega ng Criminal Investigation and Detection Group 9 Zamboanga del Norte Provincial Field Unit sa Brgy. Minaog, Dipolog City, Zamboanga del Norte nito lamang Lunes, Setyembre 5, 2022.
Ayon kay Police Colonel John Francis Encinareal, Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group 9, ang isinukong baril ay pagmamay-ari ni Mr. Felipe Catubig y Magsanay, 45, may asawa, at residente ng Brgy. San Miguel, Polanco, Zamboanga del Norte.
Ang naturang baril ay isang unit Homemade Shotgun na walang serial number, isang magazine at dalawang bala.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong