Libacao, Aklan (January 5, 2022) – Isinuko ng isang concerned citizen ang isang home-made .38 revolver na walang identification at serial number sa Rosal Headquarters, Barangay Rosal, Libacao, Aklan nitong January 5, 2022.
Ito’y matapos maisagawa ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company sa pangangasiwa ni Police Major Donnel Regis, Officer-In-Charge, ang Information Dissemination ukol sa E-CLIP.
Ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang mga pamilya.
Nakakatulong din ang proyektong inilunsad ng Aklan Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Crisaleo Tolentino, Acting Provincial Director at ni Police Brigadier General Flynn Dongbo, Regional Director ng Police Regional Office 6 na ‘Armas baylo Bugas’ o ‘Bigas kapalit ng Armas’ sa paghihikayat sa publiko na mag-surender.
Ang proyektong ‘Armas Baylo Bugas’ ay alinsunod sa programang OPLAN KATOK ng PNP na naglalayong protektahan ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan.
Ang nasabing baril ay naicoordinate at nairecord sa Libacao Municipal Police Station at naiturn-over na sa 1st Aklan PMFC supply PNCO.
Patuloy namang hinihimok ng ating pambansang pulisya sa Aklan ang lahat na ireport at magsurender sakaling may pag-aaring unlicensed firearm sa kanilang opisina sa Brgy. Rosal, Libacao, Aklan o sa pinakamalapit na police station. Maaari ring tumawag or mag-text sa kanilang hotline number 09985988214.
#####
Panulat ni Pat Kher Bargamento