New Washington, Aklan – Isinuko ng concerned citizen ang isang loose firearm sa mga tauhan ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company ngayong araw ng Martes, Marso 1, 2022
Ayon kay Police Major Donnel P Regis, Force Commander, 1st Aklan PMFC, ang isinukong baril ay isang yunit ng home-made cal38 revolver pistol kasama ang tatlong ammunition.
Ayon pa kay PMaj Regis, ang naturang baril ay walang legal na dokumento at pag-aari ng isang residente ng Brgy. Gindag-an, New Washington, Aklan.
Dagdag pa ni PMaj Regis, ang isinukong baril ay nasa kustodiya ng 1stAklan PMFC supply PNCO.
Ang “Oplan Katok” ay isa sa mga programa ng PNP na naglalayong mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng bawat tao sa komunidad.
Samantala hinimok naman ni PMaj Regis ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang opisina kung sila ay mayroong pang walang dokumentong mga baril o nagbabalak ng isuko.
Maaari silang pumunta sa pinakamalapit na Police Station o tumawag sa kanilang hotline number 09985988214.
###
Sana all ganyan salamat po sa gobyerno