Ilocos Sur– Boluntaryong isinuko ng Chief Tanod ng Barangay Ora West, Bantay, Ilocos Sur ang isang loose firearm sa Bantay Municipal Police Station nitong Linggo ng hapon, Enero 01, 2023.
Ang nasabing loose firearm ay isinuko kay Dennis Gaspar y Piano, 51, Chief Tanod, residente ng Brgy. Ora West, Bantay, Ilocos Sur.
Ang nasabing baril ay isinuko ng residente rin sa nasabing lugar ngunit tumangging ilantad ang kanyang pagkakakilanlan.
Ang isinukong armas ay isang uri ng caliber .22 na may markang “UZI”, automatic machine pistol, walang serial number at isang magazine.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinagawang Revitalized KASIMBAYANAN sa pamamagitan information dissemination ng Campaign Against Loose Firearms and Explosives sa pamumuno ni Police Major Pol A. Areola, Chief of Police ng Bantay MPS.
Ito rin ay kaugnay sa pinaigting na pagsasakatuparan ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), na nakatuon sa kampanya laban sa loose firearms (RA 10591), at pag-aaresto ng wanted
Layunin nitong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad at maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng kriminalidad at terorismo.
Source: Bantay Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Vanessa A Natividad