Pinatayuan at binigyan ng masisilungan at matatawag na tahanan si Lola Carmelita Pucay ng Barangay Basil, Tublay, Benguet sa pamamagitan ng programang “Handog Pabahay” ng Benguet Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCol Reynaldo Pasiwen, Police Director.
Ito ay sa pangunguna ng mga kapulisan ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pangangasiwa ng kanilang masigasig na Force Commander, PLtCol Benson Macli-Ing.
Isinilang si lola Carmelita na hindi nakakapagsalita at hindi nakakarinig kaya sa edad niyang 65, ang tanging nagsisilbing gabay niya ay ang kanyang mga kapatid.
Ang naturang bahay ay naipatayo ng mga naturang kapulisan sa loob lamang ng 28 days kung saan nasa mahigit kumulang na Php300K ang nagastos mula sa kanilang sariling bulsa, mga donasyon at stakeholders gaya ng Benguet Advisory Council.
Inaasahang bago matapos ang taon ay nasa 16 na handog pabahay pa ang maituturn-over ng mga kapulisan ng Benguet para sa kanilang mga napiling benepisyaryo.
#####
Article by Police Corporal Melody L Pineda