Nakiisa ang mga kawani ng Loboc Municipal Police Station sa “Ang Pinakamaayong Byahe” feeding at values formation program para sa mga bata ng Barangay Tigbao, Loboc, Bohol noong Marso 16, 2024.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ni Police Major Jesus C Daplin, Chief of Police ng Loboc MPS, katuwang si Pastor Antero Calipusan, Uplift Foundation, Pursuit of Coconut at Isla Eden.

Ang naturang aktibidad ay inorganisa at inisyatibo ng UFC-JM GWU Outreach Samaritan Purse Operation Christmas Child (OCC) sa pamimigay ng mga pagkain, tsinelas, at regalo sa mga bata.

Mas pinaiigting pa rin ng kapulisan ang pakikipag-ugnayan sa komunidad tungo sa hangarin ng pamahalaan na mapayapa at maunlad na pamayaman tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Loboc Municipal Police Station-BPPO
Panulat ni Patrolwoman Monica W Labajo