Nagsagawa ang Police Regional Office 13 katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Caraga ng Livelihood Training Program sa paggawa ng sabon sa mga tauhan ng PRO13 kasama ang kanilang mga dependents na ginanap sa Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City nito lamang Hulyo 23, 2024.
Ang nasabing aktibidad ay aktibong pinangunahan ni Police Brigadier General Alan M Nazarro, Regional Director ng PRO 13, katuwang ang kabuuang 50 kalahok na sinanay sa paggawa ng dishwashing soap bilang isa sa mga aktibidad para sa pagdiriwang ng 29th Police Community Relations Month.
Batay sa datos ng Regional Community Affairs and Development Division, may kabuuang 50 kalahok mula sa Regional Headquarters; Regional Mobile Force Battalion 13; Agusan del Sur Police Provincial Office at Butuan City Police Office ang nakiisa sa pagsasanay.
“This activity can also empower our participants by providing them with skills that can generate additional income for their households. It could be the start of a small business and maybe even grow into something bigger over time.” ani RD Nazarro.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin