Aglipay, Quirino – Matagumpay na inilunsad ng Quirino PNP ang Livelihood Training sa Quirino Police Provincial Office Badminton Court, San Leonardo, Aglipay, Quirino nito lamang Hulyo 20, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PLtCol Rafael L Pagalilauan, Chief, PCADU sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Rommel Rumbaoa, Provincial Director, Quirino Police Provincial Office kasama si Genaro Ronald C Ibay, Provincial Director ng Technical Education and Skills Development Authority.
Umabot sa 40 kataong dumalo kabilang ang KKDAT Quirino Chapter, LGU at mga kapulisan na nagmula sa iba’t ibang munisipalidad ng Quirino ang naturuan ng Siomai at Juice making.
Ayon kay PCol Rumbaoa, ang aktibidad ay kaugnay pa din sa 27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan”.
Patuloy naman ang pagpapatatag ng kasunduan ng TESDA at PNP sa pagsasagawa ng mga livelihood training tulad nito na makakatulong sa ating mga kababayan.
Source: Quirino PPO
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier