Nagsagawa ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) – Cordillera ng Livelihood Program sa Barangay Lomon, Paykek, Kapangan, Benguet nito lamang ika-24 ng Marso 2024.
Pinangunahan ni Police Colonel Louisito B Meris, Chief RPCADU ang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), PRO-CAR, Regional Mobile Force Battalion 15, 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company, Kapangan Municipal Police Station, Non-Government Organizations, PNP Officers Ladies Club na kinatawanan ni Ms. Maria Sofia Meris at sa suporta ng Ayala Alabang, Muntinlupa Ph.
Sa aktibidad ay itinuro ng mga kapulisan at stakeholders sa 20 kababaihan ng Kapangan, Benguet ang proseso ng paggawa ng strawberry jam at tsokolate gamit ang bagong teknolohiya.
Dagdag pa rito ay nagkaroon din ng interaktibong palitan ng impormasyon upang higit na maunawaan ng mga kalahok ang mga proseso sa isinagawang demonstrasyon sa paggawa ng mga nasabing produkto.
Ang isinagawang aktibidad ay alinsunod sa programang “Panag-aywan Iti Kailyan” ng PRO CAR kasabay ng Pagdiriwang sa Buwan ng mga Kababaihan kung saan layunin nitong palakasin ang kaalaman at kahusayan ng mga kababaihan para sa kanilang dagdag na hanapbuhay.
Panulat ni Patrolwoman Melanie Amoyong