Tumauini, Isabela – Naghandog ang Tumauini PNP ng livelihood program sa mga kababaihan ng Brgy. Caligayan, Tumauini noong Mayo 2, 2022.
Ayon kay PMaj Junneil Perez, Chief of Police ng Tumauini Police Station, ang mga dumalo sa aktibidad ay mga miyembro ng Kooperatiba ng mga Kababaihan sa Kaligayan (KKK).
Ang mga kababaihan ay tinuruan sa paggawa ng banana chips, banana cake at camote chips.
Layunin nitong mabigyan ng kabuhayan ang mga kababaihan sa nasabing barangay para makaahon sa krisis na dulot ng pandemya.
Samantala, habang isinasagawa ang aktibidad, binantayan at inalagaan ni PMaj Perez ang mga anak ng mga kababaihan na dumalo.
Ang Tumauini PNP ay handang tumulong sa mga mamamayang apektado ng pandemya sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Tumauini, Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Trade and Industry (DTI).
Source: 98.5 i-FM Cauayan
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag