Palawan – Kaugnay sa ikatlong araw ng Retooled Community Outreach program ay nagsagawa ng seminar ang 1st Palawan Provincial Mobile Force Company hinggil sa livelihood project na Rug Making na nilahukan ng mga BPATs at Tribal community group ng Brgy. Tagusao, Quezon, Palawan noong ika-28 ng Setyembre 2023.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Klinton Rex Jamorol, Force Commander ng 1st Palawan PMFC, ilan sa mga hakbang na itinuro sa mga kalahok ay ang wastong pagputol ng mga lumang Cotton na damit at tamang sukat at Cross-Stitching Pattern ng mga ginupit na damit.

Layunin ng seminar na palakasin at pasiglahin ang kakayahan ng mga may-ari ng bahay, solo parent at indibidwal na magkaroon ng karagdagang kita para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kaugnay din nito, nagbigay din ang pulisya ng libreng serbisyo tulad ng libreng gupit, feeding program para sa mga bata at residente ng nasabing barangay, at tree planting activity.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod din sa 5-Focused Agenda ni PGen Benjamin C Acorda, Jr, Hepe ng Pambasang Pulisya para mapatibay ang ugnayan at pagkakaisa ng PNP, Simbahan at Komunidad sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos at mapayapang komunidad.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus