Monday, May 12, 2025

Limang suspek, arestado sa ilegal na armas sa Davao de Oro

Arestado ang limang (5) kalalakihan sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok 2, Barangay Dumlan, Maco, Davao de Oro nito lamang Mayo 8, 2025.

Ayon sa impormasyon mula sa isang concerned citizen, may mga lalaking sakay ng pick-up na naglabas ng mga armas upang takutin ang mga residente.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Maco Municipal Police Station at matagumpay na inaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Rico”, “Danilo”, “Reghner”, “Luisito”, at “Nove”.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang Rock River Arms caliber 5.56mm rifle na may kasamang tatlong (3) magazine, isang (1) Rock River caliber .45 pistol na may apat (4) na bala, isang (1) two-way radio, at isang (1) Mitsubishi Strada.

Sa pahayag ni Police Lieutenant Colonel Jerry T. Cabag, Acting Chief of Police ng Maco MPS, ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, kaugnay na rin sa paglabag sa umiiral na COMELEC Gun Ban ngayong panahon ng halalan.

Patuloy ang pagpapaigting ng seguridad ng Police Regional Office 11 upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon, lalo na sa gitna ng electoral season.

Nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles