Pinarangalan ang apat na Uniformed Personnel at isang Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Police Regional Office 13 para sa kanilang natatanging kontribusyon sa tagumpay ng PNP Caraga na ginanap sa Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City, nito lamang Setyembre 16, 2024.
Ginawaran sina Police Lieutenant Josef Carlo V Silang at Police Master Sergeant Ronald S Donoso ng Medalya ng Kagalingan para sa matagumpay na Anti-illegal Drugs Operation noong Agosto 5, 2024, sa Barangay Luna, Surigao City, Surigao del Norte dahil sa kanilang matagumpay na pagkakaaresto sa isang High Value Individual at nakumpiska ang 34.4993 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php234,595.24.
Samantala, binigyan ng parehong medalya sina Police Major Randy A Abunda at Police Chief Master Sergeant Delmendo D Cipriano Jr. para sa matagumpay na pagkakahuli sa Top 5 Most Wanted Person sa listahan ng PRO 13 na sinampahan ng kasong Murder.
Pinarangalan din si Ms. Marissa G Madelo, isang Non-Uniformed Personnel na nagsilbi bilang Crime Registrar ng Tubod Municipal Police Station, Surigao del Norte Police Provincial Office sa loob ng siyam na taon at pitong buwan, ay kinilala rin sa kanyang dedikadong serbisyo.
Ipinaabot ni Police Brigadier General Alan M Nazarro, Regional Director ng PRO 13, na may kinakatawan ni Police Colonel Michael F Labanan, Deputy Regional Director for Administration, ang kanyang pagbati sa mga awardees at hinikayat ang mga kalalakihan at kababaihan ng PNP Caraga na magkaroon ng parehong dedikasyon at kahusayan sa kanilang serbisyo sa komunidad.
“Let us show the people that we remain steadfast in our duty to serve and protect. Whatever the challenges along the way, let us always rise above them. Let us be faithful to our sworn mandate,” ani PBGen Nazarro.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin