Patikul, Sulu – Sumuko sa mga otoridad ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa ginanap na seremonya sa 45IB Headquarters sa Barangay Tugas, Patikul, Sulu nito lamang Hunyo 7, 2022.
Kinilala ang mga ito bilang sina Bennajir, Monib, Abdurahsi, Rudy at Sattari.
Ito ay matapos magdesisyon ang mga ito na kanila nang igagalang ang pamahalaan dahil sa patuloy na pakikipag-usap ng mga opisyales ng 45th Infantry Battalion, 1103rd Infantry Brigade, Sulu Police Provincial Office at ng tanggapan ni Gov. Hadji Abdusakur Tan.
Katuwang din sa pagkumbinsi ang lokal na pamahalaan ng Patikul at Patikul Municipal Police Station.
Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay ang pagsuko na rin ng kanilang mga baril, kabilang sa mga ito ay ang M16A1 rifle, dalawang .30 caliber M1 Garand rifle, isang .45 caliber pistol at mga sangkap sa paggawa ng mga improvised explosive device o IED.
Sumuko ang mga ito para sa kanilang seguridad.
Ang Abu Sayyaf ay kilala sa pagiging marahas sa mga dating kasapi na nagbabagong buhay na, mga kamag-anak at sa mga dayuhan.
###
Panulat ni Patrolman John Mabborang