Hindi matatawaran ng kahit na anong halaga ang liham pasasalamat na isinulat ng isang ‘Grade 6 pupil’ para sa mga alagad ng batas nito lamang Nobyembre 29, 2021.
Ang bata ay kinilalang si Ma. Antoniette Azuela Cao, pitong (7) taong gulang, residente ng Barangay Balatas, Naga City at nag-aaral sa Balatas Elementary School.
Ayon kina Patrolwoman Marife Soria at Jean Rose Dimacali, miyembro ng Naga City Mobile Force Company, Naga City Police Office, natagpuan nila ang sulat sa upuan ng nakaparking na Patrol Car sa tabi lamang kung saan nagsasagawa sila ng aktibidad sa Barangay Balatas, lungsod ng Naga.
Narito ang nakasaad sa mensahe:
“?????? ??.
?????? ?? ???? ?? ????.
?????? ?? ??? ?? ?? ??. ??????? ?????? ??? ????? 6 ?? ???? ???? ?????? ??? ?????? ?? ?????? ?? ???? ???? ?? ?????? ?????? ?????? ?? ???????? ???? ???? ?? ????????? ?? ????? ?? ???? ?????? ?? ??? ????? 19 ???????? ???????? ??????? ?? ?? ?????? ????? ???? ????? ?? ?? ??? ??????, ?????, ?????? ?? ???????”.
Agad naman hinanap ng mga nasabing pulis ang may akda ng liham upang personal itong makapagpasalamat.
Ayon kay Ma. Antoinette, matagal nya nang isinulat ang liham at naghahanap lamang siya ng tiyempo para maipaabot ito sa ating kapulisan. Aniya, saludo siya sa lahat ng frontliners tulad ng doktor, pulis at sundalo na patuloy na nagsisilbi sa bayan laban sa COVID-19.
Patunay lamang na sa murang edad, malinaw sa kanyang isipan ang esensya ng pagtutulungan para sa iisang adhikain na malagpasan at matigil na ang pandemyang kinakaharap natin sa kasalukuyan.
Dahil rito, ang buong puwersa ng City Mobile Force Company sa pamumuno ng Force Commander na si Police Lieutenant Colonel Rommel Labarro ay lubos na nagpapasalamat kay Cao, pati na rin sa komunidad na patuloy na sumusuporta at nagpapahalaga sa serbisyo ng mga frontliners.
Ang sulat ay patunay na sadyang nakapagambag sa tagumpay ng community mobilization efforts ang programang SAFE (Seen, Appreciated and Felt Extraordinarily) na inilunsad ng PNP Bicol Region sa pangunguna ni PBGen Jonnel Estomo.
“Nakakataba ng puso ang bawat laman ng liham ninyo para sa aming mga frontliners. Ito ay magsisilbing inspirasyon para mas lalo pa naming paiigtingin ang aming serbisyong makatulong at makapaglingkod para sa kaayusan at kapayapaan ng komunidad, lalo na ngayong panahon ng pandemya”.
####
Panulat ni: NAGA CMFC
God bless pnp
Serbisyong may puso