Agarang nagdeploy ng kapulisan ang Quezon City Police District (QCPD) upang pangasiwaan ang traffic situation at panatilihin ang kaayusan bunsod ng isinasagawang kilos protesta ng Tansport Group na Manibela sa harap ng HOR Southgate, IBP Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City nito lamang ika-6 ng Mayo 2024.
Pinamunuan ni PBGen Redrico A Maranan, District Director ng QCPD ang pagdedeploy ng kapulisan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat raliyista.
Ang protesta na ito ay dinaluhan ng mga miyembro na may mga hinanaing o isyu patungkol sa Transportasyon o ang jeepney phase out.
Nagkaroon mam ng tensyon sa pagitan ng PNP at ng mga protestante ngunit wala naman nasaktan at hindi rin nagpatinag ang pulisya sa pagsiguro ng kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Tiniyak ng PNP na maayos at mapayapang natapos ang kilos protesta ng grupo upang hindi makaabala sa ibang mga indibidwal kung saan kanilang nailahad din ng maayos ang kanilang hinanaing sa gobyerno.