Huli ang pinuno ng isang notoryus na criminal gang at tinaguriang Central Luzon’s Top 10 Most Wanted Person noong Nobyembre 4, 2021 sa Hospital Drive, Block 3, Barangay San Vicente, Tarlac City.
Ayon kay Police Colonel Erwin Sanque, Acting Provincial Director ng Tarlac Police Provincial Office, ang suspek ay kinilalang si Benjamin Prinel, 70 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay San Vicente, Tarlac City, Tarlac.
Nakuha mula sa suspek ang isang (1) caliber .38 revolver na walang serial number at may tatlong (3) bala.
Si Prinel ang lider ng Collado Criminal Gang, kung saan ang Collado Criminal Gang ay utak sa mga robbery cases (Basag Kotse) sa probinsya ng Tarlac at kabilang sa Central Luzon’s Top 10 Priority High-Value Individual (HVI) list.
Kasalukuyan pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at madakip ang iba pang miyembro ng naturang grupo.
####
Panulat ni: Police Corporal Carla Mae P Canapi