Wednesday, March 26, 2025

Lider at miyembro ng PPAGs na suspek sa pagpatay sa Aparri 6, arestado na ng mga awtoridad

Arestado na ng mga awtoridad ang dalawang pangunahing suspek sa karumaldumal na pagpatay kay Aparri Vice Mayor Rommel Alameda at sa lima nitong security escort sa Bagabag, Nueva Vizcaya nito lamang ika-25 ng Marso, 2025.

Pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) at Regional Intelligence Division 2 (RID2)  ang nasabing operasyon sa pakikipagtulungan ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Cagayan RFU2, RID-PRO3, PIU-Nueva Vizcaya PPO, PIU-Nueva Ecija PPO, RIU2, Aparri Police Station, NBI-Cagayan Valley Regional Office, Sta. Rosa Police Station (Nueva Ecija PPO), 1st PMFC Nueva Ecija, Bayombong Police Station (Nueva Vizcaya), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ramon”, lider ng isang Potential Private Armed Group (PPAGs), residente ng Barangay Luna, Sta. Rosa, Nueva Ecija, at alyas “George”, miyembro ng PPAGs na residente ng Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija.

Ayon sa report, isinilbi ng mga awtoridad ang Warrant of Arrest matapos ang masusing monitoring at beripikasyon sa kinaroroonan ng mga suspek. Ang nasabing warrant ay inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 28, Second Judicial Region, Bayombong, Nueva Vizcaya, kung saan nahaharap ang dalawa sa anim (6) na bilang ng kasong Murder na walang inirekomendang piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Tinitiyak naman ng mga kapulisan na magpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng iba pang posibleng kasabwat sa brutal na pagpatay.

Source: CPIO

Panulat ni Pat Michelline Ballada

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,470SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles