Monday, March 31, 2025

Lider at miyembro ng gun-for-hire groups, arestado sa Cebu City

Naaresto ng mga operatiba ng Cebu City Police ang lider ng Nadela Gun-for-Hire Group at dalawang miyembro ng kanilang karib al na Gibo Gun-for-Hire Group sa isang anti-criminality operation noong nakaraang linggo.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Wilfredo”, 23, mula Sitio Camagong, Barangay Lahug, na lider ng Nadera Gun-for-Hire Group; alyas “Jerson”, 25, mula Paradise 2, Barangay Kinasang-an, Cebu City; at alyas “Mark”, alyas “Garan”, 38, mula Sambag 2, isang miyembro ng Gibo Gun-for-Hire Group.

Ayon sa pulisya, inamin ng tatlong suspek ang kanilang pagkakasangkot sa mga pamamaril sa nakalipas na buwan.

Sinabi ni Police Colonel Enrico E Figueroa, Acting City Director ng Cebu City Police Office, na ang mga lider ng naturang grupo ay tumatanggap ng utos mula sa mga nakakulong na drug personalities upang patayin ang mga kasamahan nilang hindi nakakabayad ng utang sa ilegal na droga.

Kinumpirma rin ito ni Police Brigadier General Redrico Maranan, hepe ng Central Visayas Police, matapos makuha ang salaysay ng mga suspek sa imbestigasyon.

Lumabas sa pagsisiyasat na halos lahat ng biktima ng pamamaril ay may kaugnayan sa ilegal na droga at hinihinalang mga impormante ng pulisya.

Pinaniniwalaang may malalaking pagkakautang ang mga ito, kaya’t sila ay itinumba ng kanilang mga employer.

“Kasi yung victim ng recent shooting incident ay pawang mga drug personalities mga drug pushers, kung titingnan mo in a bigger picture ini-eliminate nila yung kanilang mga drug pushers on reasons na baka napapaghinalaan na police informant or maybe they are pocketing some of the proceeds of illegal of their illegal activities,” ani Maranan.

Ayon kay Maranan, ang bawat pagpatay ay may katumbas na bayad na mula Php30,000 hanggang Php60,000, maliban pa sa bayad para sa drayber ng motorsiklo.

Inamin ni Nadera na nakapatay na siya ng pitong tao, samantalang si Ebo ay naging gun-for-hire sa loob ng 16 na taon.

Sa kasalukuyan, isang miyembro na lamang ng grupo ni Nadera ang hindi pa nahuhuli, na kilala sa alyas na “Sindo”. Samantala, si alias “Tapiri” ay kasalukuyang nakakulong sa Cebu City Jail. May iba pang kasamahan ang mga grupong ito na tinutugis pa rin ng pulisya.

Bagamat hindi pinangalanan ni PBGen Maranan ang presong drug lord na nagpapalakad ng mga pagpatay, tiniyak niyang sa pagkakahuli ng ilang lider at miyembro ng mga grupong ito, malaki ang mababawas sa bilang ng mga pamamaril sa lungsod.

Tiniyak din niya sa mga taga-Cebu na walang dapat ipangamba dahil nahuli na ang ilan sa mga pangunahing kriminal na responsable sa mga nagdaang insidente.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang iba pang miyembro ng mga grupong ito upang matiyak ang seguridad at katahimikan ng lungsod.

Source: Sunstar

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,480SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles