Cagayan de Oro City – Boluntaryong sumuko ang lider at dalawang miyembro ng Acuman Criminal Group na sangkot sa mga ilegal na aktibidad sa probinsya ng Bukidnon sa mga tauhan ng Police Regional Office 10 sa Camp Vicente Alagar, Cagayan de Oro City nito lamang Lunes, ika-13 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga boluntaryong sumuko na sina alyas “Kapitan”, alyas “Opaw” at alyas “Dario”, na lider ng Acuman Criminal Group, sangkot sa mga ilegal na aktibidad tulad ng Robbery, Cattle Rustling, Highway Robbery at Extortion sa probinsya ng Bukidnon.
Ayon pa kay PBGen Coop, bandang 6:00 ng umaga nang boluntaryong sumuko ang lider at dalawang miyembro ng Acuman Criminal Group sa pagsisikap ng Regional Intelligence Division katuwang ang 1004th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10 – Technical Support Unit, Talakag Municipal Police Station, Bukidnon PNP at Regional Intelligence Unit 10.
Napag-alaman na may nakabinbin na multiple Warrant of Arrest sa iba’t ibang kaso tulad ng Murder, Frustrated Murder, Attempted Murder at Illegal Possession of High-Powered Firearms and Ammunition.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagsuko din ng kanilang mga armas na isang M16 Rifle, isang M14 Rifle at isang Cal. 45 at mga bala.
“Our efforts have now resulted positively as several members of the criminal gang have surrendered to the folds of law. I commend the PRO10 personnel for doing this job excellently and rest assured that we will be proactive in our intel-driven operation with the active support of the community to attain a progressive place to live, work and invest,” saad ni PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10