Pampanga – Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga tauhan ng Mabalacat City PNP ng libreng tinapay para sa mag-aaral ng Precious Life Christian School ng Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Lunes, ika-18 ng Setyembre 2023.

Pinamunuan ito ni Police Lieutenant Colonel Abraham Abayari, Chief of Police ng Mabalacat City Police Station katuwang ang Gardenia Philippines na kaagapay sa pamimigay ng loaf bread.

Higit ang kasiyahan at pasasalamat ng mga bata sa naipamahaging masarap na tinapay sa kanilang paaralan.
Likas ang pagiging matulungin at paghahatid ng serbisyo ng ating mga awtoridad upang mas matibay ang ugnayan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera