Tarlac – Boluntaryong nagpatayo ng libreng solar panel street light ang San Jose PNP sa Brgy. Labney, San Jose, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-20 ng Oktubre 2023.
Pinamunuan ito ni Police Major Joy Turaray, Acting Chief of Police ng San Jose Municipal Police Station.

Ikinabit ang nasabing solar lights kasama ang mga residente ng nasabing barangay.
Ito ay naglalayong magsisilbing liwanag sa daan at masiguro ang kaligtasan ng mga residente na dumadaan na agarang tulong na may temang “Ilaw sa Kanayunan Handog ng Kapulisan ng San Jose”.

Patuloy ang San Jose PNP na maghahatid ng tulong at magbibigay ng malasakit sa kanilang nasasakupan.
Source: San Jose Municipal Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera