San Mateo, Rizal – Namahagi ng libreng school supplies ang San Mateo PNP bilang ika-10 taong isinasagawa ng Rizal Police Provincial Office at Best Practice na may temang “Isang Pulis, Isang Lapis, May Kwaderno at Papel Pa” sa San Mateo Elementary School, Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal nito lamang Biyernes, Agosto 26, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Elmer B Rabano, Deputy Chief of Police ng San Mateo Municipal Police Station katuwang ang Advisory Group sa pamumuno ni Pastor Marcelino S Lim, Tagapagligtas Eagles Club CLR-IV na pinamunuan ni Mr. Pol G Soriano, at Mrs. Cleta F Saladero, Principal ng San Mateo Elementary School.
Nasa 50 na bata ang nahandugan ng libreng school supplies na naglalaman ng lapis, papel, gunting, crayons, kuwaderno, at iba pa.
Tinalakay din ang Drug Awareness at Anti-Criminality Campaign ng PNP.
Bukod dito, namahagi din ang mga naturang grupo ng libreng juice at meryenda sa mga estudyante ng naturang paaralan.
Ang PNP at iba’t ibang sangay ng gobyerno at pribadong sector ay laging handang tumulong sa mga mamamayang lubos na may pangangailangan tulad ng mga estudyante na walang kakayahang makabili ng mga kagamitan sa paaralan.
Source: San Mateo MPS
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon